FILIPINO DEPARTMENT

Unang itinatag ang departamento noong 1938 ni Jose Villa Panganiban, manunulat ng pinakatiyak na diskyunaryo ng Ingles-Tagalog at tagapagtatag ng Varsitarian. Ito ay ginawang Kagawaran ng Pilipino noong 1967 mula sa dating Kagawaran ng Tagalog, ngunit noong 1979, isinama ito sa Departamento ng Wika, kasama ang mga wikang Ingles at Espanyol.

Paglipas ng maraming taon muling nagbukas ng sariling departamento ang Filipino sa pagsisikap ni Dr. Marilu Ranosa Madrunio, ang pinakahuling tagapangulo ng Departamento ng mga Wika katuwang si Dr. Clarita Carillo, ang Bise Rektor ng mga Gawaing Pang-akademiko ng UST. Naniniwala sila na dapat paghiwalayin ang departamento ng Inggles at Filipino dahil may kani-kaniya itong pangangailan at mga potensiyal. Sa taong aralan 2010-2011 kasabay ng selebrasyon ng ika-400 taon ng Unibersidad ng Santo Tomas, iniupo ang bagong tagapangulo ng departamento na si Dr. Imelda P. De Castro, mula sa Fakultad ng Sining at Panitik. Nasimulan niya ang pagdaraos ng pambansang kumperensiya sa Filipino na tinawag na Hasaan at gumawa ng mga hakbang upang palakasin ang kasanayan at kakayahan ng mga guro ng departamento sa pananaliksik. Hindi naglaon ang Hasaan ay naging tatak ng pambansang kumperensiya ng UST Departamento ng Filipino at naging pamagat din dyornal pampananaliksik sa Filipino.

Pagkaraan ng isang taon, itinalagang maging tagapangulo si Dr. Roberto D. Ampil na mula rin sa Fakultad ng Sining at Panitik. Ipinagpatuloy at pinaigting pa niya ang magagandang nasimulan ng unang taon ng Departamento. Siya'y nanilbihan noong Hunyo 2011 hanggang Hulyo 2016. Ang ilan sa kanyang naiambag ay ang muling pagbubukas ng BSE-Filipino sa Kolehiyo ng Edukasyon, pinaigting din niya ang mga pambansang kumperensiya sa Filipino o ang Hasaan 2, 3 at 4 at ang pagbibigay ng mga libreng seminar sa mga guro sa Filipino sa loob at labas ng unibersidad. Sa panahon rin niya nailathala ang opisyal na dyornal sa Filipino na tinawag na Hasaan, ito ay mula sa konsepto ng dating tagapangulo Dr. De Castro. Sa kanyang pamunuan rin nagkaraoon ng bagong tahanan ang departamento mula sa opisina ng Bise Rektor sa mga Gawaing Pang-akademiko sa main building ng UST nailipat ito sa gusali ng Albertus Magnus sa pamamahala ng Kolehiyo ng Edukasyon (ikalawang termino ng TA 2014-2015) na pinamuan ni Dr. Clotilde Arcanghel, dekano ng Kolehiyo ng Edukasyon at sinundan naman ni Dr. Allan B. De Guzman, dekano kolehiyo sa TA 2015-2016 at sa kasalukuyan

Agosto 2016 nagkaroon ng pangatlong tagapangulo ang Departamento ng Filipino at siya ay si Assoc. Prof. Zendel Rosario M. Taruc. Sa unang taon ng panunungkulan, naipagpatuloy pa rin ang mga gawain kaugnay ng mga faculty development program at mga gawaing pananaliksik. Ang ilan sa mga naidagdag na mga gawain ay ang Siyasik: Pagbasa ng Pananaliksik-papel sa Filipino (multi-disiplinaryo), Pabalatula 2016 (paligsahan ng pagsulat ng maikling tula kaugnay ng pabalat), at naging online journal ang Hasaan 3 at gawing pandaigdigang kumperensiya ang Hasaan 5. Naisakatuparan ang mga ito sa pagsisikap pamunuan at mga guro ng Departamento ng Filipino, Kolehiyo ng Edukasyon at mga estudyanteng medyor na Filipino.

Sa kasalukuyan naging tapat at masigasig ang UST Departamento ng Filipino para sa pagpapanatili at pagpapaunlad wika at kulturang Filipino hindi lamang sa loob maging sa labas ng unibersidad.


BISYON

Nakikita ng UST Departamento ng Filipino ang kanyang sarili bilang nangungunang institusyong nagtataguyod ng pagpapakadalubhasa sa wikang Filipino na nakatuon sa pagtuturo, pananaliksik, pagsasalingwika at pagpaplanong pangwika.


MISYON

Hinahangad ng UST Departamento ng Filipino na maging pangunahing sentro ng kahusayan sa larangan ng pagtuturo ng wikang Filipino na may gampanin sa pagsasagawa ng mga gawaing pananaliksik na nakatuon sa pagpapayaman ng wikang Filipino.


Layunin:

  1. Makapagbuo ng isang mahusay na programang di-gradwado at patuluyang gradwado na magbubunga ng mga makabagong dalubguro sa Filipino na nagtataglay ng Tomasinong pagpapahalaga.
  2. Makapagsagawa ng mga gawaing pananaliksik sa Filipino na nagbibigay-tuon sa mga espesyal na paksain sa iba’t ibang larangan.
  3. Makapaglimbag ng pagsasalingwika ng katutubong teksto tungo sa Filipino.
  4. Maging aktibong kabahagi sa pagpapatining ng mga makabuluhang patakarang pangwika na magbubunga ng higit na mabisang paggamit ng wikang Filipino.
  5. Makapagdaos ng iba’t ibang palihan, seminar at pambansang kumperensiya na makapagpapayaman sa kaalaman at makapagpapataas sa kahusayan sa pagtuturo ng wika ng mga guro at propesor.
  6. Makapagbahagi ng makabagong kaalaman sa pagtuturo ng wika sa pamamagitan ng libreng seminar sa mga guro sa pampublikong paaralan sa bansa bilang ambag gawaing pangkomunidad.

Assoc. Prof. Zendel Rosario M. Taruc, Ph.D.

  1. Who are eligible to take up Special Filipino?
    • The foreign students or international students. (e.g. Koreans, Chinese, Americans, etc.)
    • Filipino students who were born outside the Philippines and cannot speak Filipino/Tagalog and those who studied abroad and holding foreign passports.

  2. Can a Filipino student enroll in Special Filipino?
    • Yes. If she/he can prove that she/he is an immigrant and cannot speak Filipino. This is usually the case of Filipino-Americans or Filipino students who have other nationality.

  3. What about Filipino students who are non-Tagalog/non-Filipino speakers, can they enroll Special Filipino?
    • In some case, these type of students may enroll in Special Filipino if she/he can provide the documents required by the Filipino Department. The usual documents are:
      1. Certification from her/his previous school proving that she/he didn't take up Filipino subjects in high school.
      2. Records that prove that she/he came from an international school and that school does not offer Filipino subjects.

  4. How can I enroll the Special Filipino course?
    • If the Special Filipino course is open for enrollment, the foreign student may enroll the course immediately. You may inquire at the Registrar's Office.
    • If a regular Filipino subject was included in the subjects enrolled, she/he may drop and change the course to Special Filipino. Please be advised on the date / deadline set by the Registrar's Office for the drop and change of subjects.
    • For other concerns, you may call the Department of Filipino at no. 4061611 local 8489.